A look back
- Umair Tahir
- Feb 2, 2024
- 1 min read
Updated: Mar 22, 2024

This is my favorite poem that I made. Composed by me during my high school days.
This makes me LOL when I read it again which was very me at that time of my life.
It was inspired by my someone. So here it is…
Multo ng Panaginip
Ano kaya itong nadarama,
Galit o kaya’y pag-ibig ba,
Saya, selos ano ba talaga,
Nitong pusong parang sasabog na.
Tuwing ika’y aking nakikita,
Ako ay parang naging estatwa,
Ang dibdib ko ay kakaba kaba,
Lalo na pag may kasama kang iba.
Isang gabing ako’y nakahiga,
Aking ipinikit aking mga mata,
Nagsimulang gumuhit ng ala ala,
Sa isipan kong parang baliw na.
Mga gunita sa aking ala ala
Tabing ilog tayo’y magkasama,
Iyong mata’y parang tumatawa
Parang nagtatanong “okay ka lang ba?”
Mga labi mong mamula mula pa,
Gumagalaw, ngumingiti pa ata
Puso ko’y lumulundag sa tuwa
Ano ba, ganito ba talaga?
Nang aking buksan aking mga mata
Mga ito’y panaginip lang pala,
Buong akala ko ay totoo na,
Ako pala’y nahulog na sa kama
Kaya’t mga kapwa ko kabataan,
Iwasan ang mga kalalakihan,
Baka mo pa mapanaginipan,
At mahulog din sa‘yong higaan.
Heart it if you liked it. :)
Comments